The nonconformance report 101
I'm pissed off today as the result of our meeting with a BIG multi-national pharmaceutical company. I'll just state this in filipino/tagalog language since this is a pinoy site. Kaninang umaga tinawag kami ng ahente namin may meeting daw sa isang customer namin tungkol sa NCR(nonconformance) na nangyari noong mga nakaraang lingo. Nagrerequest daw ang QA manager para meeting daw namin sila. Aware of the situation about the NCR, I was forcefully sent to meet with them. Dalawa kaming pharmacist at yung sales agent namin. Noong nandoon na kami sa meeting, i was nervous what will happen sa mga ganitong situation na malaking company ang customer at may problema ang produkto. Mas sanay ako sa mga customer complaint na mga consumers lang ang nag rereklamo. Naka damit desente sumugod kami sa kumpanya nila na walang pag hahanda. Pumasok kami maayos pa ang mood ko, kaya hindi ko masyadong ininda ang situation.
Pero noong nakilala ko na ang mga KA-MEETING namin ay kinabahan na ako ng todo. Nangiginig ang kamay ko at mabilis ang tibok ng puso. Akalain mo ba naman na QA manager, Purchasing Manager, at isang supervisor ang humarap sa amin. Goodluck sa amin, isang pharmacist at isang ahente lang ang kasama ko. I cannot imagine na ganito ka tindi ang susugurin naming kalaban. Para kaming sumugod sa giyera ng walang bala. I started the meeting with a grappling voice. Matindi talga ang nerbyos ko neto. Pa utal utal habang nag sasalita. Tapos english pa yung conversation. Hello???!! naubos tuloy ang aking bokabolaryo sa aking baul.
Habang nag meeting, they questioned yung mga nakasulat sa NCR. Bakit ganito, bakit ganyan. So ineksplika ko sa kanila ang standard operating procedure kung bakit nag ka-ganun. So going smooth ang usapan na pero kabado paren, along the way I questioned an issue kung nagiba ang situation sa isang issue ng NCR ano ang mangyayari...then the QA manager ask questioned my position kung taga QC or QA daw ako at bilgang nag iba ang tuno nya. Nakakairita talga! Na shock ako sa pangyayari iyon. Biruin mo, sabihin ba naman.. "Excuse me, Are you from Quality control?" sabay ngiting parang sinasabing ang bobo mo hindi mo ba alam un?. Parang nagunaw ang mundo ko noong ipahiya nya ako sa lahat ng tao sa kwarto. Natulala akong bilga at hindi naka imik. Hindi ko na siya nasagot, pero buti nalang biglang sumagot yung ahente at sinalo ako. Explaining their point of view hindi ko paren naintindihan kung ano ang gusto nilang ipahiwatig. Kung dinedefend nila ang kumpanya nila o sinasabi lang nila ang side nila. Feeling ko tuloy lumulusot lang sila sa problema na sila naman ang may gawa. Bwisit sila! Lapses ng kumpanya nila ay isinisisi nila samen.
Hangang ngayon ang nabbwisit paren ako sa nangyari. Nanliit ako sa sinabi nya waaah! Dayuhan kasi kaya hindi alam ang totoong kalakaran dito sa pilipinas. Hindi nya alam mas matindi pa sa bansa nila ang mga problemang ganun. Bukas mag rereport ako sa boss ko kung ano mga nangyari. Sana maalala ko pa ang mga bagay bagay at mga points na dapat naming pag isipan para ibwelta sa kanila. Sinulat ko dito sa blog ang mga bagay bagay na gusto kong ipahiwatig para lumuwag ang sama ng loob ko sa mga nangyari. I cannot elaborate more of this issue and especially i cannot put a names on this baka ako ay ma demanda ng libel. hehehe mabuti na yung nag iingat!
Post a Comment