feedburner
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

feedburner count

Limang Tips para makatipid sa pag bili ng gamot

Labels:


Limang (5) paraan para makatipid sa pagbili gamot

1.Gumamit ng Generic Drug. Ito na siguro ang pinakaunang maiisip mo kung bibili ng gamot sa botika. Ito na rin siguro ang pinakamatipid na paraan para di mabutas ang bulsa natin. Mas maganda kung tatanungin mo sa Pharmacist ng botika kung ano ang magandang generic ng gamot na nireseta sayo ng doktor. Wag mag duda sa mga generic drugs. Basta't mapagkakatiwalaan ang pagbibilhan mong botika at mahusay naman ang kumpanyang gumawa, pareho lang ang epekto nito sa branded.

2. Humanap ng mas mababang presyo ng gamot. Paano kung walang stock generic? Mag tanong isa ibang botika. Siguro naman ay meron ding ibang katulad nito na nakakagamot sa pareho o mas murang halaga. Konsultahin muna ang iyong doktor bago mag palit at bumili ng kung ano ano. Mas mainam na may rekomendasyon ng doktor bago bumili ng gamot na hindi mo naman alam kung ano ang epekto nito.

3. Magtanong tanong sa mga katabing tindahan o botika. Subukan mo munang mag tanong ng mas murang presyo sa ibang katabing botika. Baka naman mahal ang presyo ng gamot sa binibilhan mo.

4. Bumili ng maramihan. Sa panahon ngyon, nauuso ang wholesale discount. Kahit ang mga Chinese gawain ito. Kapag bumili ka ng marami, mas malaki ang diskwento mo. Kaya kapag niresetahan ka ng doktor ng sampung piraso ng gamot, mag tanong sa botika kung magkano ang diskwento nito kapag bibilhin mo lahat.

5. Alamin ang mga freebies at discounts programs. Tignan at basahin maigi kung ano ano ang mga libreng promo na bibilhin ninyo. Marami kumpanya ngyon na nagpapamigay at nagppromo ng produkto para makilala ang pangalan ng produkto nila. Usisain at makinabang sa mga promo na ito.

"Buksan ang ating mga kaisipan sa katotohanan" Ang sabi nila maaring maganda sa pandinig ang pangalan ng produkto pero sa totoo lang ay hindi mo ito kelangan. Maging mapag-usisa, palatanong, at mautak sa lahat ng produkto na ating bibilhin. Suriin mabuti at huwag bibili.. uulitin ko.. Huwag BIBILI sa mga hindi makapagkakatawalaang botika.

Related Posts by Categories



0 comments:

Post a Comment

Post a Comment

Feel free comment on any post but do not spam. Thanks.